Isip isip ko, bakit ba ako nagpapamudmod ng libo-libong singkong kulot? Bakit ba ako namimigay ng entrecard credits? Bakit? Bakit? Bakeeeeeettt?


Umakyat ako sa bundok ng tralala para mag-agam agam, at humingi ng kasagutan. At sempre, nag-ala Plato na naman ako. Hindi plato na pinggan na pinaglalagyan ng tsibug. Plato na kumpare ni Aristotle, nukaba?

Kasi napansin ko, April Fools Day ko pa ipinaskil sa blog ko yung pautot ko. Kahit pa malaki ang premyo, $550 suma total at 4,500 EC, ng aking mala impaktong pautot, ang Sikatchupoy si BURAOT Contest, ilan pa lang ang sumasali. Kahit pa walang entrance fee, walang bumibili ng paninda ko.

Siguro marahil subalit datapwat dahil.... wala din naman kasi akong oras para mag-bloghop at i-network ang blog ko kaya di ko mai-anunsyo ang pa-kontest ko. At dahil matigas din talaga ang ulo ko, walang Ingles sa mga post ko, kaya bihira rin ang makatsamba sa site ko. Yoko kasi mag-Inglish dito baka duguin ilong ko. Dami mong satsat, wala lang talagang kwenta ang site na to kahit na anong suhol ang gawin mo. Kunsensya, tumahimik ka.

Kaya para mas madami ang maka-alam ng mahiwagang pakontest ko at ng blog ko, naisipan kong gawin ang mga sumusunod:

1. Kumuha ng paid ad, whole page, sa Inquirer.
2. Gumawa ng commercial na ipapalabas sa Wowowee at sa Eat Bulaga
3. Magpagawa ng campaign jingle ke Lito Camo.
4. Ilagay ang piktyur ko sa lahat ng dyip ng Piston at Fejodap, pati na rin sa mga bus byaheng probinsya.
5. Taasan ang aking campaign fund mula sa $550 prize at gawin itong $550,000 o kaya naman ay
6. Wag nang mag-blog. Tumakbo na lang na Presidente.

Kaya naman, nirepaso ko (ulit) yung rules. Tutal, links lang naman ang habol ko (nating lahat), inalis ko na yung time limit sa kung kelan pinanganak yung blog ng mga sasali.

Ayun sa rules na imbento ko lang, para makasali sa Sikatchupoy si BURAOT Contest, dapat ang blog mo ay in running condition na bago pa mag April01, 2008. Pero dahil nilalangaw ang pakontest ko sa apila ng libo-libong naligaw ng landas, pina-veto ko na ke pareng Bush ang rule na yun. Lahat ng blog ay pwede ng sumali kahit na kakapanganak mo lang.


Ang pinaka importante, ang premyo.

Grand Prize:
1. 3,000 entrecard credits at
2. Pumili ng isa sa mga sumusunod:
a. Three hundred dollars,
b. Tatlong daang dolyares,
c. Tres syentos estados unidos dolyares, o
d. Tatlong plastic balloon (used)

Second Prize:
1. 1, 000 entrecard credits at
2. Pumili sa mga sumusonod:
a. One hundred dollars,
b. One hundred pesos,
c. Isang daang baku-bako, o
d. None op da above

Third Prize:
1. 500 entrecard credits at
2. Pumili sa mga sumusunod:
a. Fifty dollars,
b. Singkwenta pesos,
c. Limampung pirasong sinkong kulot, o
d. Tenkyu mula kay BURAOT

$100 Consolation Prize: (Kita mo naman sa pakontest, me consolation prize pa.)

Para sa paraan ng pagsali at sa iba pang mga detalye, click mo lang mukha mo dito o dun sa link sa gilid at sa lahat ng mga link na makikita mo dito sa site ko.


Read more on this article...

After three months already outside the seminary walls, I have been exposed to the real world as it is: THERE ARE POOR PEOPLE. Call me a socialist or a communist, but woe to the selfish captalists of the country! However, I would like to share a thought that the classes would still exist - the rich, the bourgeousie, and the proletariats. That makes me a non-communist. But I beg that the division between the poor and the rich be lessened - so that the poor would be able to enjoy life.

Read more on this article...

Do you have a lot of electronic junk? Or other wastes such as paper and plastics? Then you could perhaps earn some extra cash by bringing them to SM for recycling. I did just that last weekend and here's my SM Trash To Cash story. Read more on this article...

Subscribe to: Posts (Atom)
 
ufc 107 live stream