Heto na po ang sinasabi nilang delubyo. Kung di mo alam ang delubyo, itanong mo muna sa lolo mo. Mula sa pinagsama-samang hanging amihan at habagat mula sa mga aplaya ng Timbuktu at mga masamang hanging nagmula sa kumukulong tyan ni BURAOT... ang pinaka pautot ng mga pautot.
Sino ang pwedeng sumali?
1. Bata, matanda, may ngipin o wala. Girl, boy, bakla, tomboy. Kahit na anong kasarian ka pa, babae, lalake, o di tiyak, kahit pa walang kasarian, pwede rin.
2. Kailangan sempre Pilipino ka, dahil di mo maintindihan ang mga epal dito. Pwede din ang half-half. Half Pilipino, Half Pilipina.
3. Lahat ng may blog. Kung wala ka namang blog, gumawa ka muna. Kaso di ka pa rin uubra dahil may time limit. Ang iyong blog ay kinakailangang hindi manananggal (fly-by-night) na blog. Ibig sabihin hindi pwedeng umistayl na gagawa ka lang ng bagong blog para maisali dito. (lang-magu to-its) Kailangang gumagana na yang blog mo mula pa January 1, 2008.
Kahit pa one thousand syete mil ang blogs mo, pwede mo isali lahat. Basta pasok sa criteria yung blog mo. Mas madami kang blog, mas madami kang chance na manalo ng sandamakmak na pasasalamat. Heheheheh.
Grand Prize:
1. 3,000 entrecard credits at
2. Pumili ng isa sa mga sumusunod:
a. Three hundred dollars,
b. Tatlong daang dolyares,
c. Tres syentos estados unidos dolyares, o
d. Tatlong plastic balloon (used)
Second Prize:
1. 1, 000 entrecard credits at
2. Pumili sa mga sumusonod:
a. One hundred dollars,
b. One hundred pesos,
c. Isang daang baku-bako, o
d. None op da above
Third Prize:
1. 500 entrecard credits at
2. Pumili sa mga sumusunod:
a. Fifty dollars,
b. Singkwenta pesos,
c. Limampung pirasong sinkong kulot, o
d. Tenkyu mula kay BURAOT
Consolation Prize: (Kita mo naman sa pakontest, me consolation prize pa.)
Ang consolation prize ay mananalo ng $100.00 sa mapipili ni BURAOT na pinakamagandang post. Depende kung anong ganda, pwedeng pinaka-nakakatawa, pinaka-kyut, pinaka-korni at kung anumang post ang makakapag-palaglag ng brief ni BURAOT.
Para sa detalye, pumasyal lang dito sa Anak ni Kulapo.
